Kesyo mag “Find a guy/girl” ka Find a Place nalang na talagang mapapasaya at mapapainlove ka ng sobra at the same time may pang FEED 📸 kapa. So wah a yo weyting por?
For DIY
How to get there?
Sympre mag book ng flight papuntang Palawan.
Tips: 3months before ng gusto mong date ng flight para mas makamura ka
1 hour mahigit ang biyahe from Manila airport (NAIA) to Palawan.
Then, pagbaba sa Palawan airport sa labas nun meron na agad mga nakaabang na Van papuntang El nido or kung wala try nalang sumakay ng trike (marami rin nakaabang) at magpatulong nalang kay manong driver kung ano pwedeng sakyan (pwede rin kasi Bus) papuntang El nido.
6-7hrs ang biyahe. mahaba-habang pag chacharge sa katawan mga besh. 😋
Van fare – 500-600 petot
Hotels?
Kung DIY ka walang problema dahil sobrang liit lang naman ng el nido at tabi tabi lang ang mga hotels kaya di mahihirapan makahanap.
Island Tour?
Mas okay kung mag bbook na kayo online pero meron din naman mga inooffer yung mga hotel para sa mga tour.
Tour A:
Small Lagoon
Big Lagoon
Simizu Island
Seven Commandos Beach
Tour B:
Cudugnon Cave
Bacuit Bay
Snake Island
Tour C:
Secret Beach
Matinloc Shrine
Helicopter Island
Tour D:
Cadlao Lagoon
Paradise Beach
Bucal Beach
Nat Nat Beach
Pasandigan Beach
Tour Package?
800-1600 petot
Inclusions:
* Buffet Lunch (grilled fish/pork/chicken, rice, fruits and Vegetables)
* Mineral Water
* Life vest
* Mask & Snorkel
* Towel
Kung may Extra time/Day pa kayo pwede rin pumunta sa NACPAN at Lio Beach. Arkila lang sa ng motor doon (Marami naman nagpaparent sa lugar) 300-400 petot lang buong araw na. Isang oras ang biyahe pero sobrang sulit!! Pramit! 😊
Meron din Zipline (di ko lang matandaan kung saan banda o anong pangalan ng lugar pero malapit-lapit lang din, tanong nalang po hehe) Island to Island ang tatawirin kaya sobrang sulit ang aakyating mong sobrang taas na bundok 😅
So ayun! Haaaay, kung medyo nalilito o naliligaw sabi nga? “Wag mahihiyang magtanong” 🎶 at sympre sabi ni Lodi? “INGAT!” 😉
Mahaba-habang keme to sana napagtiyagaan nyo 😅 Osya balanakayojan! Enjoy sa pagGALA. 😘
