BAWAL ANG MAGSIGARILYO AT MAGBENTA NG SIGARILYO SA SABTANG, BATANES
Lahat ng mga residente, turista, at bisita ng Sabtang ay aming pinapaalalahanan na bawal na po ang magsigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga sasakyan sa isla ng Sabtang. Kasama na rin dito ang pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa lahat ng barangay at barrio na nasasakop nito. Ito po ay base sa Municipal Ordinance 008 (series 2018) o ang Comprehensive Smoke Free Ordinance of the Sabtang, Batanes” na naipasa noong nakaraang taon. Epektibo na po ito simula ngayong January 2019.
Mayroon po tayong karampatang multa at pagkakakulong para mga mahuhuling lumalabag sa ating ordinansa. Nananawagan rin po kami sa ating mga tour guide association, tricycle association, drivers association, at tour agencies na paalalahanan ang kani-kaniyang mga kliyente at turista tungkol sa bagong batas na ito. Ang aming opisina at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga barangay officials, uniformed personnel, at national agencies upang matulungan kami sa pagpapakalat ng mga panuntunan tungkol dito.
Kung mayroong mga katanungan, o kung nais ninyong makakuha ng kopya ng ordinansa, maaari po lamang na bumisita sa Sabtang Rural Health Unit at makipag-ugnayan sa aming Smoke-Free Sabtang Coordinators.
DIOS MAMAJES!
PLEASE SHARE!
#SmokeFreeSabtang #SmokingKills #HealthySabtang
